-- Advertisements --

Suportado ni PNP Chief Oscar Albayalde ang usaping pangkapayapaan na muling binuhay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagitan ng gobyerno at ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Tiniyak ni Albayalde na 100 percent niya itong susuportahan.

Aniya, nais din ng PNP na magkaroon na ng pangmatagalang kapayapaan sa bansa at tapusin na ang insurgency nang sa gayon magpapatuloy na ang kaunlaran sa ating bansa.

Hindi lamang mga inosenteng sibilyan ang biktima kundi maging ang mga nasa security sector.

Dahil maging ang mga pulis at sundalo ay ginagawang bihag ng komunistang grupo.

Samantala, maging si Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Lt. Gen. Carlito Galvez ay suportado rin ang peacetalks.

Aniya, panahon na para magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa bansa at tuldukan na ang problema sa insurgency.