-- Advertisements --

Kinumpirma ni PNP Chief PDGen. Ronald Dela Rosa na inimbitahan siya mismo ni Sen. Manny Pacquiao para manood ng kaniyang laban sa Brisbane, Australia laban kay Jeff Horn.

Sa panayam kay Dela Rosa kaniyang sinabi na  kagabi ay nag video call pa sa kaniya ang senador at tinatanong kung saan na siya.

Sinabi ni Dela Rosa na hindi nito maiwan ang ongoing military and police operation sa Marawi.

Ibinunyag din ni PNP chief na siya ay nadala at baka mapag initan pa ng Ombudsman sa pagsama nito sa laban ni Pacquiao sa Australia.

Magugunita na nuong sumama siya sa entourage ni Pacquiao ng lumaban ito sa Las Vegas ay naging kontrobersiyal ito.

Kaya sa ngayon ay umiiwas na lamang siya sa mga nasabing usapin.

Hangad pa rin ni Dela Rosa na magtagumpay si Manny Pacquiao sa kaniyang laban.