-- Advertisements --

Tinawag na “piecemeal attack” ni PNP chief PDGen Ronald Dela Rosa na piece meal attack ang installment na paglabas ng resulta ng surbey kaugnay sa war on drugs.

Pahayag ito ni Dela Rosa kasunod ng pinakahuling resulta ng SWS survey kung saan lumitaw na 37 porsiyento sa 1,500 respondents ang naniniwalang hindi nanlaban ang mga napapatay sa war on drugs.

Sa panayam kay Dela Rosa, kaniyang sinabi na tila naubusan na ng pag atake sa PNP kaya paunti unti inilalabas ang resulta ng survey na ginawa noon pang buwan ng Setyembre.

Nilinaw din ni PNP chief na hindi naman niya kinikwestiyon ang survey pero nagtataka siya sa motibo nito.

“Yun nga eh, piecemeal attack ang gunagawa nila sa amin, very obvious thats piecemeal attack,” pahayag ni Dela Rosa.

Nang tanungin naman si PNP chief kung gusto nito na bumalik sa war on drugs, aniya naka depende ito kay Pangulong Rodrigo Duterte.