Tiniyak ni PNP chief PDGen. Oscar Albayalde na sapat ang presensiya ng mga pulis sa lahat ng mga sementeryo sa buong bansa para mapangalagaan ang seguridad.
Kumpiyansa naman si Albayalde na mananatiling mapayapa At maayos ang seguridad at kaayusan ng All Saints Day ngayong araw, November 1,2018 at All Souls Day bukas, November 2.
Kahapon personal na pinangunahan ni Albayalde ang inspection sa mga bus terminal at ilang piling sementeryo sa kalakhang Maynila.
Hiling naman ni Albayalde sa publiko ang kooperasyon lalo na ang mga ipinatutupad na Do’s and Don’ts ng pulisya sa mga sementeryo.
Ayon sa PNP Chief, simula kahapon at ngayong umaga wala pang naitalang untoward incident na nailulat sa PNP, maliban sa insidente ng pagkakahuli ng isang pasahero sa Araneta bus terminal kahapon ng umaga na may dalang 15 bala ng armalite.
Wala din natatanggap na banta sa seguridad ang PNP.
Sinabi ni Albayalde, ang pagkakahuli sa suspek bago ito sumakay sa bus patungo sa hindi binanggit na lalawigan ay patunay na aktibong nakabantay ang kapulisan para tiyakin ang seguridad ng lahat ng manlalakbay.
Hindi naman iniugnay ni Albayalde ang insidente sa isang possibleng terrorist plot, kasabay ng pagbibigay diin na Walang namonitor na security threat ang PNP ngayong undas.
Epektibo kahapon ng umaga nasa full alert status na ang PNP na tatagal hanggang Lunes para pangalagaan ang kaligtasan ng publiko sa inaasahang pagdagsa ng mga babalik sa mga syudad mula sa pagbabakasyon sa mga lalawigan.