Tiniyak ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na walang mangyayaring pag-aresto na gagawin ang PNP sa mga ayaw pang magpabakuna sa ngayon.
Sinabi ni Eleazar na may koordinasyon na sila sa DOJ matapos sabihin ni Justice Sec. Menardo Guevarra na walang batas na gagamiting batayan sa pag-aresto sa mga ayaw magpabakuna.
Naniniwala si Eleazar na mas marami sa ating mga kababayan ang gustong mabakunahan na.
Kitang kita umano ito sa haba ng pila sa halos lahat ng mga vaccination sites.
Sa katunayan ay kulang pa mga raw ang mga dumarating na mga bakuna sa bansa.
Kung mayroon mang nag-aalinlangan pa sa ngayon ay kailangan lang silang kumbinsihin sa pamamagitan ng mas masugid pang information campaign.
Ibinigay na halimbawa sa PNP na noong una ay nasa 51 percent lang ang gustong magpabakuna batay sa kanilang mga survey.
Ngunit sa tulong ng information dessimination ay marami na ang nakumbinsi.
Sa ngayon ay 93 percent na ng mga PNP personnel ang gustong magpabakuna.
Nasa mahigit 26,000 nang mga tauhan ng PNP ang nabakunahan at ang iba ay naghihintay lang ng pagdating ng bakuna.