Dismayado si PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde sa mga sunud-sunod na insidente na kinasasangkutan ng mga pulis.
Lalo na ang pag-aresto sa tatlong pulis sa Bicutan na miyembro ng kidnap for ransom group at tatlong iba pa na kinokotongan ang mga junkshop owners sa Valenzuela.
Ayon kay Albayalde frustrated siya na may mga pulis na sangkot sa iligal na aktibidad.
Pero hindi umano ito maging dahilan para sila ay panghinaan ng loob dahil mangilan-ngilan lamang ang mga pasaway na pulis.
Dahil dito magiging relentless din ang kanilang internal cleansing.
Tiniyak naman ni Albayalde na mananagot ang mga pasaway na pulis na nagbibigay ng masamang imahe sa PNP organization.
Kinumpirma ni Albayalde na nasa mahigit 1,000 mga pulis ang sangkot sa iligal na droga na kanilang mino monitor pero sa ngayon nabawasan na ito.
Nasa proseso na rin ngayon ang PNP sa pagtukoy kung sinu sino pa ang sangkot sa illegal drugs na wala sa kanilang radar o listahan.
Aniya, mas magiging sharp pa ang PNP sa pagtukoy sa mga police scalawags.
Isang welcome development naman sa PNP ang ibibigay na smuggled hummer na sasakyan na inarbor ng Pangulong Duterte para ibigay sa PNP at AFP.
Sinabi ni Albayalde na hindi naman magiging problema sa maintenance ng nasabing hummer dahil noon ay naisyuhan din sila ng hummer.