-- Advertisements --

Tiniyak ng Pambansang Pulisya na mananagot ang mga indibdwal na nasa likod at tumulong sa pagtakas ni Ozamis City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog palabas ng bansa.

Ayon kay PNP chief PDGen. Oscar Albayalde, ngayong uuwi na sa bansa si Ardot, mabibigyang linaw na rin kung sinu-sino ang mga naging kakuntiyaba nito para maka-alis ng bansa.

Sasampahan ng PNP ng kaukulang kaso ang mga indibidwal na matukoy na may kinalaman sa pagtakas ni Ardot.

Nais din kasi malaman ng PNP kung gaano kalawak ang kuneksiyon nito sa mga sindikato ng iligal na droga.

Si Ardot ay kapatid ng pinaslang na si Mayor Reynaldo Parojinog na kabilang sa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Patung-patong na kaso naman ang kahaharapin ni Ardot ngayong balik sa bansa na ito.

Ayon naman kay Ozamis City Police Chief, PCInsp Jovie Espenido, nasa anim na kaso ang kakaharapin ni Ardot.

Sinabi ni Espenido kasong murder, illegal possesion of firearms at paglabag sa section 3 ng comprehesive dangerous drug act ang kinakaharap ni Ardot.

Ang Ozamis PNP ang siyang may hawak sa kaso ni Ardot kaya nais ni Espenido na mapunta sa kanila ang kustodiya ni Ardot.

Pagtiyak ni Espenido na walang dapat ipangamba kung dadalhin sa Ozamis si Ardot.

Mamayang gabi nakatakdang dumating sa bansa si Ardot mula sa Taiwan.

Patuloy pa rin ang manhunt operations ng Ozamiz PNP kay Artemio Salas dating security personnel ng nasawing si Mayor Reynaldo Parojinog at asawa nitong alyas Daisy Parojinog Salas na kapatid ni Mayor Parojinog.

Sangkot umano ang mag-asawa sa illegal drug trade at ka grupo ng namayapang si Mayor Reynaldo Parojinog