Tiniyak ni PNP chief police Director General Ronald dela Rosa na matatanggal sa serbisyo ang naarestong police colonel sa isang pot session kaninang madaling araw sa Las Piñas City.
Sinabi ni Dela Rosa na patong-patong na kaso ang kahaharapin ni Cabamongan bukod sa paglabag sa RA 9165 sasampahan din ito ng administrative case ng PNP.
Giit ni PNP chief na kapag nagpositibo sa shabu si Cabamongan at sasampahan ng grave misconduct para tuluyan ng matanggal sa serbisyo.
Inihayag ni Dela Rosa na wala silang pinipili na ranggo na kanilang aarestuhin lalo kung sangkot ito sa iligal na droga.
“Wala tayong pinipili. Kahit na ano ang ranggo mo basta ikaw ay involved sa drugs ikaw ay huhulihin namin,” wika ni Dela Rosa.
Kaagad naman ipinasailalim sa drug test ni PNP chief si Supt. Cabamongan.
Bago mag alas-5:00 ng hapon kanina ng dumating sa PNP Crime Lab si Cabamongan.
Sa pagbaba nito sa sasakyan kaniyang sinabi sa mga miyembro ng media na huma rights violation ang ginagawa sa kaniya ng PNP.
Pagkatapos isailalim sa drug ang nasabing police colonel ay ibabalik ito sa Las Piñas PNP.
Pinagdiinan ni PNP chief na walang karapatang mag-operate laban sa illegal drugs si Cabamongan dahil hindi siya miyembro ng anumang anti-illegal drug unit ng PNP.