-- Advertisements --

Tiniyak ni PNP chief PDGen. Oscar Albayalde sa mga kaanak ng mga naging biktima ng pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat na makakamit nila ang hustisya, dahil gagawin nila ang lahat para mahuli ang tunay na salarin.

“Justice will be served,” ito ang siniguro ni PNP chief sa mga biktima ng pagsabog ng bisitahin niya ang mga ito sa Sultan Kudarat Provincial Hospital.

Matapos bumisita sa ospital, iniulat ni Albayalde na out of danger o nasa stable condition na ang lahat ng 36 na nasugatan sa pagsabog sa Isulan noong martes ng gabi, kung saan 15 na sa mga ito ang na-discharge na sa ospital.

Nakipagpulong din si Albayalde sa mga Police officials ng Police Regional office 12 (PRO-12), kung saan iprinisinta sa isang closed door session ang cartographic sketch ng pinaghihinalaang bomber.

Ayon sa PNP Chief, may mga iba pang hinahanap na persons of interest ang PNP na kasabwat ng prime suspect.