-- Advertisements --

Tiniyak ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na istriktong babantayan pa rin ng mga kapulisan ang quarantine protocols lalo na sa mga pampublikong lugar at sa mga business establishments gaya ng mga malls, borders at checkpoints ngayong nasa General Community Quarantine na ang Metro Manila.

Ayon kay Eleazar ngayong medyo lumuwag na ang quarantine protocols sa NCR hindi dapat magpakampante ang publiko ng sa gayon ay hindi na sumirit muli ang COVID-19 cases.

Bukod sa mahigpit na pagbabantay para matiyak na nasusunod ang minimum public and health standard, mahigpit ding ipapatupad ng PNP ang curfew hours sa kalakhang Maynila.

Inatasan ni Eleazar ang lahat ng yunit ng pulisya sa Metro Manila upang istriktong ipatupad ang pinaikling curfew hours.

Sinabi ni kay Eleazar, paiigtingin pa nila ang Police visibility mula alas-dose ng hatinggabi (12mn) hanggang alas-kuwatro ng umaga (4am).

Dahil kasi dito ay inaasahan nilang mas darami pa ang lalabas para pumunta sa mga mall, restaurant at iba pang mga establisyemento.

Kasunod nito, sinabi ni PNP chief na inaatasan nya ang National Capital Region Police Office na makipag-ugnayan sa mga opisyal ng baragay na naatasan ding maghigpit sa ipapatupad na curfew.

Umapela at nagpapaalala naman sya sa publiko na sundin ang bagong curfew at huwag nang maglalamyerda pa pagsapit ng hatinggabi.