Mariing itinanggi ni PNP Chief Gen Guillermo Eleazar na may ipinagkaloob na karagdagang pribelihiyo na ibinigay sa mga Pulis sa kampanya laban sa Ilegal na Droga.
Ayon kay PNP chief, bahagi ng kanilang mandato na supilin ang paglaganap ng anumang Ilegal na aktibidad.
Ang War in Drugs ay walang pinag-iba sa kampanya nila laban sa iba pang criminal activities.
Sagot ito ng Heneral sa lumabas na pag-aaral sa Ateneo ni dating
education secretary Edilberto de Jesus na nagsasabing dahil sa ibinigay na pribilehiyo sa mga Pulis ay nagresulta ito sa corruption at pang-aabuso sa kapangyarihan.
Giit ni Eleazar, walang batayan at hindi makatwiran ang paratang na dumami ang mga Pulis na abusado, simula ng ikasa ang giyera kontra droga Duterte Administration.
Sinabi ni PNP Chief kailanman hindi kinukunsinti ng PNP ang mga pasaway na pulis at kanilang sinisiguro na naparusahan ang mga ito.