Hindi tatantanan ng PNP ang New Peoples Army (NPA) ngayong holiday seaso, alinsunod sa desisyon ng Pangulo na hindi magpatupad ng holiday truce.
Ito ang inihayag ni PNP Chief PGen. Debold Sinas kasabay ng pagsabi, na lalo pang paiigtingin ng PNP ang kanilang opensiba laban sa mga komunistang NPA na wanted ng batas.
Siniguro ni PNP Chief na mananatili sa defense mode ang hanay ng Philippine National Police ngayong holiday season.
Ayon kay Sinas kahit nuong mga nakalipas na taon kung saan nagdedeklara ang pangulo ng ceasefire ay palaging naka alerto ang mga pulis dahil umaatake pa rin ang mga miyembro ng New Peoples Army.
Pinalakas din ng PNP ang kanilang firepower capability at dinagdagan ang pwersa ng mga pulis sa mga lugar na may mataas na banta sa seguridad gaya ng teroristang BIFF, Daulah Islamiya , Abu Sayyaf group, Communist terrorist Group at NPA.
Binigyang-diin din ni Sinas na hindi aniya magbabago ang kanilang alerto laban sa mga threat groups ngayong holiday season.
Pero siniguro ng PNP Chief na tatanggapin naman ng PNP ang mga NPA na magbaba ng armas at bolunyaryong susuko sa pamahalaan.
Iniulat ng PNP Chief na kahapon lang ay tinanggap nila ang pagsuko ng limang NPA sa Eastern Visayas.
Kinilala ang mga ito na sina:
1.Ma. Rechiel Yrigon aka SUYANG, 34 -anyos
2.Ronalyn Lucendo Capoquian aka “BABI”
3.Francisco Dacles Jr aka “JIMBOY”
4.Rio Bersola aka “JEPOY”, at
5.Apolonio Pabilando Jr “KASKID/OSCAR/POLIE”
Ang mga nagbalik-loob ay dating kasapi ng SRC Browser at Jorge Bolita Command ng CPP-NPA Eastern Visayas Regional Party Committee.