Tinukoy ni PNP Chief PDGen. Ronald Dela Rosa ang ilang mga lugar sa bansa na tinaguriang mga NPA infested areas kung saan nagpatupad ng mga security adjustments ang pulisya para maiwasan ang planong pag atake ng rebeldeng NPA.
Ayon kay Dela Rosa ang mga lugar na may malakas na pwersa ang NPA ay sa Southeastern at Northern Mindanao kung saan halos lahat ng probinsiya dito ay apektado sa problema sa NPA.
Dito naman sa Luzon, malakas ang presensiya ng NPA sa region 2 partikular sa Quirino province at Cagayan Valley.
Sa area naman ng Visayas ang Samar, Leyte provinces at ang Iloilo.
Sinabi ni Dela Rosa mahigpit ang kanilang koordinasyon sa militar sa mga nasabing lugar.
Mahigpit din ang kaniyang direktiba sa mga police commanders na maging mapagmatyag sa kani-kanilang mga areas of responsibility.
Palakasin ang kanilang intelligence monitorinf at gathering kaugnay sa presensiya ng mga rebeldeng NPA.
Ipinag-utos din ni PNP chief na agad magsagawa ng operasyon laban sa rebeldeng grupo sa pakikipag tulungan sa mga sundalo ng Philippine Army (PA).
“I have already directed the commanders aside from pagiging vigilant nila, aside sa pagiging pro-active nila pag may sightings ng NPA, they should operate in coordination with the Philippine Army,” pahayag ni Dela Rosa.