Kahit nasasangkot ngayon sa panibagong kontrobersiya ang pambansang pulisya kaugnay sa pagpatay sa 17-anyos na estudyante na si Kian Delos Santos sa isinagawang “Oplan Galugad” ng Caloocan PNP.
Siniguro ni PNP Chief PDGen. Ronald Dela Rosa, na hindi maapektuhan ang kanilang kampanya kontra sa iligal na droga ang insidente sa Caloocan.
Sinabi ni Dela Rosa na ang tanging intensiyon nang Pangulong Rodrigo Duterte ay pagtuunan ng pansin at bigyan ng solusyon ang drug problem sa bansa at pinatitiyak na walang pang aabuso mula sa mga pulis.
Pahayag ni PNP chief na kahit nagpapatuloy ang kanilang internal cleansing sa kanilang mga tauhan, patuloy din ang kanilang kampanya sa iligal na droga.
Inihayag ni Dela Rosa na wala siyang balak na i lie low ang kampanya kontra droga kahit maraming mga indibibwal ang napapatay sa kampanya.
Para kay PNP chief ang insidente sa Caloocan ay hindi blunder.
Sa ngayon, iiniimbestigahan na ng CIDG kung sinunod ng tatlong pulis Caloocan ang police operational procedure.
Sa kabilang dako, ngayong araw magsusumite na ng report ang PNP IAS kay PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa kaugnay sa kaso ng tatlong pulis Calooacan
Ayon kay PNP-IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo na sa kanilang isusumiteng report kay PNP chief lalakipan na nila ito ng rekumendasyon na sampahan ng kasong administratibo ang tatlong pulis.
Sinabi ni Triambulo na malinaw na may lapses at paglabag ang mga naturang pulis.