-- Advertisements --
PNP CHIEF OSCAR ALBAYALDE 1
PNP Chief

Umalma si PNP Chief PGen. Oscar Albayalde sa report ng Armed Conflict Location and Event Data Project (ACLED) na ang Pilipinas ang pang apat na bansa na pinaka delikado para sa mga sibilyan dahil sa mga naitalang karahasan na may kaugnayan sa war on drugs.

Ayon kay Albayalde walang basehan ang datos na inilabas ng ACLED na posibleng paninira lamang ito sa Duterte government.

Ang ACLED ay isang US based research and analysis center.

Ayon kay PNP Chief, malaki ang posibilidad na ang mga kalaban ng pamahalaan ang nagbibigay ng maling impormasyon.

Una ng ikinatuwa ni Albayalde na pang 24 ang Pilipinas sa buong mundo na pinaka ligtas para manirahan at magnegosyo.

Hamon ni Albayalde sa mga naninira na manirahan sa Pilipinas para malaman nila kung gaano kapayapa ang bansa.

Ipinagmalaki ni PNP chief ang pagbaba ng crime volume sa bansa

” I think that is unfounded. That cannot be covered by data . I don’t know how they were able to say that through what’s their basis of saying that. I really do not know kung ano ang basehan nila. That is very unfortunate na mismong kapwa natin Filipino ang nagsasabi ng kung ano ano just probably reason na ayaw lang nila sa gobyernong ito o hindi natin alam kung ano ang interest nila o motive nila. Ito ang nakakapagbigay ng maling impression sa ating bansa that’s why we challenge these people to come here and live here and see for themselves how peaceful the Philippines is. Hindi po totoo yan. Otherwise chaos tayo rito kung pang 4 tayo,” pahayag ni Gen. Albayalde.

Batay sa datos ng ACLED nangunguna ang India sa pinaka delikadong bansa para sa mga sibilyan, pangalawa ang Syria, Yemen pang apat ang Pilipinas at ikalima ang Nigeria.