Nananatiling grounded ang mga helicopter ng Philippine National Police (PNP) makalipas ang nangyaring pagbagsak ng Airbus H125 helicopter sa Real Quezon noong Pebrero 21.
Ayon kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, mananatiling grounded ang mga chopper habang isinasagawa ang imbestigasyon ng CAAP upang malaman ang sanhi ng insidente.
Pero nilinaw ni Gen. Carlos na hindi ito makakaapekto sa mga operasyon ng PNP dahil maaari niyang payagang lumipad ang mga ito kung kakailanganin.
Kasabay din aniya ng imbestigasyon ng CAAP, nagsasagawa ng sariling imbestigasyon ang PNP upang malaman kung may mga kailangang baguhin sa kanilang polisiya sa paggamit ng mga helicopter.
Matatandaan na susunduin sana ng naturang chopper si PNP Chief sa Quezon para ihatid sa camp Crame para sa lingguhang flag raising ceremony nang mangyayari ang insidente.
Sa nasabing aksidente nasawi ang isang crew habang sugatan ang dalawang piloto.