Magkatuwang na sinalakay ng mga tauhan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group at PAOCC ang isang compound sa Calamba City, Laguna.
Ayon sa nakuhang impormasyon ng PNP-CIDG at PAOCC, ang operasyon ay dahil na rin sa umano’y Guerilla POGO operations.
Batay sa inisyal na datos, aabot sa mahigit 20 Filipino at ilang mga Chinese national ang hindi pinapalabas sa naturang compound.
Nadiskubre rin ng mga otoridad na nagsasagawa pa ito ng iba pang uri ng transaksyon bukod sa pagsasagawa ng guerilla POGO operation.
Nakuha sa lugar ang ilang mga gadget at iba pang mga kagamitan.
Mananatili naman sa kustodiya ng PAOCC at Bureau of Immigration ang mga inarestong mga indibidwal mula sa lugar.
Sa isang pahayag ay sinabi ni PAOCC Executive Director Gilbert Cruz, matapos ang operasyon ay nabigo ang mga ito na magpresenta ng mga kaukulang dokumento partikular na ang tatlong dayuhan.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa mga computer na nakuha sa operasyon.