Hindi pa nasisimulan ng CIDG-NCR ang imbestigasyon para sa tatlong pulis Caloocan na nakapatay sa Grade 11 student na si Kian Delos Santos.
Paliwanag ni CIDG-NCR chief S/Supt. Wilson Asueta, hindi pa nila nauumpisahan ang imbestigasyon dahil inaantay pa nila ang magiging tugon ng mga kaanak ng biktima ni Kian na maaaring maging testigo sa kaso.
Inihayag ni Asueta naisumite na nila sa PNP Crime Lab ang mga baril na ginamit ng mga pulis sa pagpatay para isailalim sa ballistic examination.
Sa ngayon, wala pa sa kustodiya ng CIDG-NCR ang tatlong mga pulis dahil nananatili pa rin ang mga ito sa holding unit ng NCRPO bunsod nang naka-restrictive custody ang mga ito.
Una nang sinabi ni NCRPO chief Director Oscar Albayalde, na aantayin muna nila na matapos ang pagluluksa ng pamilya bago imbitahan.