Kinumpirma ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na hawak na nila ngayon ang isang Pilipino na sangkot sa bilyong pisong investment scam na unang naaresto sa Indonesia.
Kung maaalala, naaresto ito sa naturang bansa sa pagtutulungan ng CIDG at ng Indonesian Police sa Bali, Indonesia .
Sa isang pahayag, kinilala ni CIDG Director, PBGen. Nicolas Torre III ang suspect na si Hector Pantollana.
Si Pantollana ay may kinakaharap na patong-patong na kaso sa bansa at may warrant of arrest para sa kasong syndicated estafa at swindling.
Nahuli ng mga awtoridad Pantollana habang papasakay sana sa isang flight na patungong Hong Kong.
Mayroon rin itong Red Notice mula sa International Police para sa kasong may kinalaman sa paglabag sa Republic Act (RA) 8799 o mas kilala sa tawag na Securities Regulation Code.