Magsasagawa na ng hiwalay na imbestigayon ang PNP kaugnay sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng WellMed Dialysis Center kaugnay sa “ghost dialysis treatment scam.â€
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang nangangasiwa sa imbestigayon na sa ngayon ay nangangalap na rin ng mga ebidensya na magpapatunay sa alegasyon.
Nabatid na nitong nakalipas na linggo, umugong ang isyu sa WellMed kung saan mayroon umanong mahigit 8,000 pekeng kaso ng mga may sakit at “ghost patients” na humihingi pa rin ng “claims” sa Philhealth.
Ipinag-utos na rin ng hepe ng PNP-CIDG na imbestigahan ang mga rebelasyon ng lumantad na whistleblower.
Tiniyak naman ni CIDG Chief Amador Corpuz na magsagawa ng follow up investigation kaugnay sa isyu ng WellMed.
“Immedately after this presscon I will be sending a team of CIDG to followup on this wellmed center, to assist CIDU QCPD,” pahayag ni Corpuz.
Batay kasi sa salaysay ng whistleblower, ginawan lang ng blotter ang kaniyang mga alegasyon at hindi na nagsagawa ng follow-up operations ang Novaliches PNP.