-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na ginagawa nila ang lahat para matagpuan ang mga nawawalang sabungero.


Ayon kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, batid niya ang pag-aalala ng mga pamilyang may nawawalang mahal sa buhay kaya puspusan na ang kanilang paghahanap sa may mga pakana ng mga pagkawala para sila ay maaresto.

Sa ngayon aniya, may mga pahayag nang nakuha ang PNP mula sa mga testigo at mga ebidensya na maaaring ibahagi sa National Bureau of Investigation (NBI).

Samantala, sinabi naman ni Carlos na handa silang humarap sa Senado para sa gagawing imbestigasyon tungkol dito.