-- Advertisements --

Kinumpirma ng abugado ng pamilya ni Geneva Lopez, na nai-cremate na kahapon, Sabado ng gabi ang labi ng Kapampangan beauty queen na na natagpuang patay sa isang liblib na lugar sa Capas, Tarlac.

June 21 nang maiulat na nawawala ang beauty queen kasama ang kaniyang Israeli fiancé na si Yitzhak Cohen.

Kasalukuyang nasa bayan ng Lopez, Pampanga ang burol ng dalaga.

Samantala, batay sa isinagawang autopsy nabatid na nagtamo ng bala sa katawan si Lopez at ang kaniyang boyfriend.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, batay kanilang isinagawang imbestigasyon na nagtamo ng dalawang gunshot wounds si Lopez kung saan binaril ito sa likod lumabas ang bala sa dibdib at ang binti nito.

Habang ang kaniyang Israeli boyfriend ay nagtamo ng dalawang bala sa dibdib.

Sumailalim sa ballistic examination ang natagpuang bala sa katawan ng beauty queen na si Lopez.

Nagsagawa na rin ng DNA testing ang SOCO para masiguro ang pagkakakilanlan ng mga natagpuang bangkay.

Samantala, may hawak nang dalawang suspek ang PNP-CIDG at base sa inisyal na imbestigasyon, posibleng away sa lupa ang motibo sa krimen.

“Parang land dispute. Mukhang meron tayong matibay na case against sa suspects at ipe-prepare lang ng CIDG at ifa-file na sa Monday ang case,” pahayag ni Santiago.