-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Sinunog ng mga armadong grupo ang Police Compac (Community Police Action Center) sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Ayon sa ulat ng Sultan Kudarat Police Provincial Office na pinasok ng mga armadong grupo ang ginagawang PNP Compac sa Sigbol Lambayong Sultan Kudarat, binuhusan ng gasolina at sinilaban.

Agad natupok ang Police Compac dahil gawa lamang ito sa kahoy o light materials.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek nang matunugan nito ang paparating na mga pulis at sundalo.

Nilinaw naman ni Lambayong Chief of Police,Captain Herma Luna na bago lang itinayo ang PNP Compac at nakatakda sanang magdeploy ng pulis.

Nagsagawa naman ng Municipal Peace and Order Council meeting sa Lambayong sa pangunguna ni Mayor Ferdinand Agduma na dinaluhan ng militar,pulisya,mga ahensya ng gobyerno at ibat-ibang sektor.

Napagkasunduan sa MPOC meeting na paiigtingin pa ang seguridad sa bayan ng Lambayong dahil sa sunod-sunod na pamamaril patay,pinakahuli nito ang empleyado ng LGU na si Remesyl Valdez at panununog sa PNP Compac.