-- Advertisements --

VIGAN CITY – Pormal ng idineklara ng Police Regional Office Cordillera na tapos na ang tensyon sa bayan ng Pilar, Abra.

Labing dalawang security aide ni Vice Mayor Jaja Josefina Disono ang sumuko sa mga sundalo para sa mas malalim na imbestigasyon ng PNP.

Maliban sa mga security personnel ng pamilya isinuko din ng opisyal ang labing apat na iba’t-ibang baril para sa forensic examination.

Ayon kay Atty. Raymond Furton, abogado ng pamilya Disono, pinagbigyan ng kaniyang kliyente ang hiling ng PNP na isuko ang kanilang mga baril para sa nasabing eksaminasyon upang malaman kung nagamit ang mga ito sa pinaniniwalaang pagpapaputok ng baril sa mga otoridad noong isang araw.

Gusto umano ng bise alkalde na malinis ang kanyang pangala kaya naisipang isuko ang mga armas na mayroong mga legal na dokumento.