-- Advertisements --

ASCOTF3 1
Photo Courtesy PNP ASCOTF Commander, Lt Gen. Joselito Vera Cruz

Nasa 16 nalang ang aktibong kaso ng Covid- 19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).


Ito’y matapos na makapagtala ang PNP Health Service ng isang bagong recovery at “Zero” na bagong kaso ngayong araw.

Ito na ang pinakamababang bilang ng aktibong kaso sa talaan ng PNP matapos na umabot ang bilang sa mahigit 3,000 noong Setyembre.

Sa ngayon nasa 42,246 tauhan ng PNP ang tinamaan ng Covid 19, kung saan 42,105 ang naka-rekober at 125 ang nasawi.

Kahapon nakapagtala ng isang Covid-19 case ang PNP.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOFT Commander PLt.Gen. Joselito Vera Cruz, ang naitalang isang kaso kahapon ay mula sa PRO Cordillera.

Sinabi ni Vera Cruz, sa kabila ng ilang araw na walang naitalang kaso, hindi pa rin sila nagpapakampante.

” PRO-COR yung 1 new case Anne,” mensahe ni Lt.Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.

Samantala, nasa 99.4 na porsyento na ng PNP ang bakunado laban sa Covid 19, kung saan 95 porsyento ang fully vaccinated, at 4.3 porsyento ang naghihintay nalang ng pangalawang dose ng bakuna.

Habang 0.61 percent o 1,385 ang hindi pa nabakunahan, kung saan 742 ang may balidong rason, at 643 ang sadyang ayaw lang.