-- Advertisements --

Umabot na lamang sa 479 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service, mababa ito kung ikukumpara sa naitalang COVID-19 active cases kahapon na nasa 495.

Ito ay bunsod na rin ng patuloy na pagdami ng mga gumagaling sa sakit na umabot na sa 41,245 dahil sa nadagdag na 35 new recoveries.

Habang umabot na sa 41,847 ang mga nagka-virus sa PNP matapos makapagtala ng 19 new cases.

Samantala, ilang linggo ng walang nasasawi sa COVID-19 sa pulisya kaya nananatili sa 123 ang death toll.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, kaniyang sinabi na kalagitnaan nuong buwan ng Pebrero hanggang sa buwan ng March 2021 nakapagtala ang PNP ng mas mababang active cases kada araw.

Magugunita na nuong buwan ng September, sumirit sa mahigit 3,400 ang active cases sa PNP, na siyang kasagsagan ng hawahan ng Delta variant.