-- Advertisements --

Nakapagtala ngayong araw ng 14 na bagong kaso ang Philippine National Police (PNP) mula sa kanilang mga personnel.

Dahil dito, sumampa sa 52 ang active cases ng PNP batay sa datos ng PNP Health Service.

Sa ngayon nasa kabuuang 42,285 ang COVId-19 cases ng PNP.

Sa nasabing bilang nasa 42,108 ang nakarekober sa sakit.

Nananatili naman sa 125 ang nasawi.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Roderick Augustus Alba, noong bisperas ng Pasko nasa 13 lamang ang active cases ng PNP at walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 noong December 24, 2021.