Patuloy sa pagbaba ang bilang ng COVID-19 bed occupancy sa mga isolation and treatment facilities ng Philippine National Police (PNP).
Patunay dito ang pagbaba ng kanilang active cases na nasa 1,665 ngayon.
Batay sa datos na inilabas ng PNP Administrative Support for Covid-19 Task Force (ASCOTF) as of October 8,2021 nasa 138 na lamang ngayon ang occupied beds mula sa kabuuang 1,174 bed capacity.
Ayon kay PNP The Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF commander Lt.Gen. Joselito Vera Cruz, nasa 1,036 ngayon ang available COVID-19 beds mula sa kanilang 16 na mga isolation at treatment facilities.
Mayruong pitong isolation and treatment facilities sa loob ng Camp Crame habang siyam naman sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Sinabi ni Lt. Gen. Vera Cruz, karamihan sa mga pasyente na nasa quarantine facilities ngayon ay mga Police Non Commissioned Officer (PNCO) na nasa 72, nasa 13 naman ang Police Commissioned Officer (PCO), 10 naman mula sa Non-Uniformed Personnel (NUP) habang 43 dito ay mga sibilyan kabilang ang mga kamag-anak ng ilang PNP personnel.
” Civilians Anne. Kasama na rin dito yung family members and helpers,” mensahe ni Lt. Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.
Ngayong araw ang PNP ay nakapagtala ng 145 na bagong kaso ng Covid-19 habang nasa 207 ang naitalang recoveries o gumaling sa sakit.
Hindi naman nadagdagan ang bilang ng mga nasawi at nananatili ito sa 121.