Nanatili sa 95% ang recovery rate ng Philippine National Police (PNP) sa kabila ng pagtaas muli ng Covid-19 cases sa kanilang hanay.
Ang PNP Health Service nakapagtala ng 138 bagong Covid-19 cases ng PNP personnel kung saan pumalo na sa kabuuang 31,364, sa buong police force.
Ikinalungkot naman PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang pagkamatay ng isa pang pulis dahil sa Covid-19 infection at taos-pusong ipinaabot ang kaniyang pakikiramay.
Ayon kay Eleazar pumalo na sa 1,579 ang active cases sa PNP as of August 7, 2021.
Nakapagtala ang PNP ng 56 bagong recoveries na personnel kung saan nasa 29,699 o 94.6% sa kabuuang bilang ng mga gumaling sa nakamamatay na virus.
Sinabi ni PNP Chief na ang ika-86th fatality ay isang 48-year-old Police Corporal na naka-assign sa Eastern Metro Manila.
“According to the report submitted by the Health Service, the patient was admitted at a local hospital after experiencing Covid-19 symptoms on July 23. He immediately underwent an RT-PCR test which yielded a positive result. He was intubated and hooked to a mechanical ventilator, and on August 2, he died due to lung failure secondary to Covid-19,” pahayag ni Eleazar.
July 30 ng ma-admit sa Intensive Care Unit (ICU) sa isang opsital ang nasabing pulis dahil sa kaniyang unstable at critical condition.
Pinatitiyak ni Eleazar sa hepe ng naturang Pulis na tulungan ang pamilya ng pumanaw na pulis sa anumang kanilang pangangailangan.
Sa ngayon, nasa kabuuang 61,253 o 27.65% ng PNP personnel ang
fully vaccinated laban sa Covid-19 habang 56,808 ang nakatanggap ng kanilang first dose.