Nakapagtala ng walong bagong kaso ng COVID-19 cases ngayong araw and Philippine National Police (PNP) kung saan sumampa na sa 48,729 ang total cases ng PNP mula ng magsimula ang pandemya.
Sa datos ng PNP Health Service nasa 265 ngayon ang kabuuang bilang ang COvID-19 active cases.
Nasa 29 ang naitalang new recoveries at 128 naman ang naiulat na nasawi.
Ang latest COVID-19 fatality ng PNP ay ang 46-anyos na Iintel operative na police staff sgt na nakabase sa Cotabato City.
Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF commander PLt.Gen. Joselito Vera Cruz, bakunado sa COVID-19 ang naturang pulis pero ito ay may comorbidity.
Naging kritikal umano ang kaso ng nasabing pulis hanggang sa makaranas ng respiratory failure bago bawian ng buhay.
Samantala, sumampa na sa 104,845 PNP personnel ang binigyan na ng booster shot.
Nasa 0.36% na lamang o 800 personnel ang hindi pa rin nababakunahan kontra COVID-19 hanggang sa ngayon, kung saan 406 dito ang may valid reason habang 394 ang walang valid reason.
Siniguro naman ni Vera Cruz, na patuloy ang kanilang paghihikayat sa mga ito na magpabakuna ng sa gayon magkaroon ng proteksiyon laban sa nakamamatay na virus.