-- Advertisements --

Patuloy ang pagbaba sa mga naitalang arawang bagong kaso ng COVID-19 sa PNP.
Batay sa monitoring ng PNP Health Service, nitong nakalipas na 12 araw, sunod-sunod na nakapagtala ng mas mababa sa 100 kaso ng COVID 19 ang PNP.

Sa datos ng Health Service, kahapon nakapagtala lamang sila ng 61 na bagong kaso habang 62 naman ang mga bagong gumaling.

Dahil dito, bumaba na sa 848 ang kanilang aktibong kaso ng COVID 19.

Una nang sinabi ni PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) at Administrative Support for Covid-19 Task Force (ASCOTF) Commander Lt.Gen. Joselito Vera Cruz na malaking factor sa pagbaba ng Covid-19 cases sa hanay ng Pambansang Pulisya ang patuloy na pagbabakuna sa kanilang mga personnel.

Samantala, wala namang nadagdag sa mga nasawi sa kanilang hanay kaya nananatili ang bilang nito sa 123.