-- Advertisements --

Sumampa na sa 34 ang nasawi sa hanay ng Philippine National Police (PNP) dahil sa Covid-19 infection, matapos madagdagan ng isang fatality.


Ayon kay PNP OIC at ASCOTF Commander Lt.Gen. Guillermo Eleazar, nasawi ang isang 45-anyos na lalaking Pulis dahil sa cardiac arrest na nagpositibo sa virus.

Dahil dito, nakapagtala rin ang PNP ng 103 na bagong kaso ng COVID 19 kaya’t sumampa na sa 12,343 ang kabuuang kaso ngayon sa PNP.

Nanguna ang NCRPO sa may pinakamaraming bagong kaso na nasa 40, sinundan naman ito ng NOSU na may 17 habang ang NHQ ay nagtala ng 11.

Walo naman ang naitala sa NASU,  6 sa Central Luzon, 5 sa Cagayan Valley , 3 naman mula sa Calabarzon, tig dalawa sa Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen, Caraga, at Cordillera.

Habang tig isa naman ang naitala sa Eastern Visayas, Northern Mindanao at Davao region.

Sa kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus, aabot sa 918 dito ang aktibong kaso matapos na makapagtala ng 74 na bagong gumaling sa sakit kaya’t sumampa na sa 11,319 ang total COVID recoveries sa PNP.