-- Advertisements --

Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga namamatay sa COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Batay sa ulat mula ng PNP Health Service, nasa 102 na ang nasawi na mga tauhan ng PNP dahil sa COVID 19 infections.

Ito’y matapos madagdagan ng isang bagong kaso ng nasawi.

Isang 34-anyos na Police Staff Sgt na naka-assign sa National Support Unit (NSU) ang nasawi.

Sa ngayon nasa 136 ang mga bagong kaso habang 172 ang mga bagong gumaling.

Sa kabuuan, nasa 33,826 personnel ang nag positibo sa COVID-19 sa PNP, at sa naturang bilang 1, 50 ang aktibong kaso.

Samantala, as of August 26, 2021 sumampa na sa 93,725 o 42.19% na ang mga fully vaccinated na tauhan ng PNP.

Habang 104,562 o 47.07% ang naman nakatanggap ng first dose.