Sumampa na sa 109 ang death toll sa hanay ng Philippine National Police (PNP) matapos nadagdagan ng isang pulis ang nasawi dahil sa Covid-19 infection.
Ang nasawing police personnel ay naka-assigned sa Region 4-A Calabarzon.
Ayon kay PNP Chief, Gen. Guillermo Eleazar, batay sa ulat na isinumite sa kaniya ng PNP Health Service, si Patient 109 ay isang 37-year-old police master sergeant na nasawi nuong September 9 dahil sa Pneumonia and Acute Respiratory failure secondary to Covid-19.
August 28, ng makaranas ng mild symptoms ng Covid-19 ang nasabing pulis at agad isinailalim sa RT-PCR test at dito nagpositibo nga sa Covid-19 virus.
August 30 ng makaranas ito ng hirap na paghinga na agad naman siyang inilipat sa hospital.
September 9, bandang alas-3:00 ng madaling araw idiniklarang patay si Patient 109 ng kaniyang attending physician.
Batay sa medical records nito na ang nasabing pulis ay may Hypertension at nakatanggap na ng first dose of vaccine nuong August 6, 2021.
“Taos pusong pakikiramay po ang aking ipinapaabot sa pamilya ng ating pulis na namatay at nangangako po tayo ng anumang tulong sa kanila”, pahayag ni Gen. Eleazar.
Samantala, as of September 12, ang PNP Health Service ay nakapagtala na na ng 159 recoveries habang 176 ang naitalang bagong cases.
Sa ngayon nasa 2,655 na ang Covid-19 active cases ng PNP.
Sa kabilang dako, sumampa na sa 52.77% o 117,530 police personnel ang fully vaccinated habang nasa 92,362 or 41.47% ang nakatanggap na ng first dose ng vaccine.
Patuloy naman hinihimok ng pamunuan ng PNP ang nasa 12,809 or 5.75% police personnel nito na ayaw pa rin magpabakuna.