Sumampa na sa 13 ang naitalang COVID-19 fatalities sa Philippine National Police (PNP), matapos masawi ang isa pang pulis noong August 11, 2020.
Ayon kay PNP spokesperson B/Gen. Bernard Banac, ang huling fatality ay isang 46-anyos na pulis na nakadestino sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Sinabi ni Banac, as of 6PM ng Miyerkules, pumalo na sa 2,732 ang COVID cases sa PNP matapos makapagtala ng 11 bagong confirmed cases mula sa NCRPO.
Ayon kay Banac, nasa 1,800 personnel naman ang nakarekober mula sa nasabing sakit.
Sa ngayon nasa 764 probable cases at 2,202 suspected cases ang mino-monitor ng PNP Health Service.
Samantala, kinilala naman ni NCRPO chief M/Gen. Debold Sinas ang pumanaw na pulis na nakilalang si S/Sgt. Edgardo DL Medrano, naka-assign sa Manila Police District (MPD) na nagpositibo sa COVID-19.
Batay sa record, si Menandro ang ikatlong NCRPO personnel na nasawi sa virus.
“With the strict implementation of protocols geared to curb the spread of the virus among its personnel, NCRPO continuously builds Special Care Facilities, monitors the physical well-being of police officers and provides necessary preventive equipment needed in rendering their duties,” pahayag pa ni Sinas.