-- Advertisements --

Sumampa na sa 99 ang death toll ng PNP dahil sa Covid-19 infections, ito’y matapos nadagdagan pa ng isang bagong nasawi na isang 44-anyos na Lt colonel na naka assign sa Cebu City.

Pumanaw ang nasabing opisyal nuong August 18,2021.

Batay sa report ng PNP Health Sevice nakaranas ng mild symptoms ng Covid-19 ang nasabing opisyal at sumailalim sa RT-PCR test at nagpositibo sa virus.

Sa ngayon pumalo na sa 179 ang gumaling sa Covid-19 infections habang nasa 123 bagong kaso ang naitala.

Una ng sinabi ng PNP na karamihan sa kanilang fatalities ay sanhi ng pneumonia at hindi pa bakunado.

Sa ngayon nasa 86,843 police personnel na ang fully vaccinated habang 101,304 ang naghihintay ng kanilang second dose.

Nasa 34,022 police personnel ang ayaw pa rin magpa bakuna.

Nabatid na sa loob lang ng dalawang linggo, halos araw araw nang nakakapagtala ng nasasawi sa virus ang PNP.

Bumaba naman ang active cases ng PNP mula sa 1,814 kahapon; ngayon as of August 20, 2021 ay nasa 1,757.