-- Advertisements --
Pumalo na sa 4,843 ang bilang ng mga pulis na naka rekober sa nakamamatay na virus ang COVID-19.
Sa datos na inilabas ng PNP Health Service nasa 1,170 na lang sa ngayon ang active cases sa pambansang pulisya.
Kahapon iniulat ng PNP nasa 40 panibagong COVID cases ang naitala.
Sa nasabing bilang ang NCRPO at PRO Cordillera ay parehong nakapagtala ng walong bagong COVID-19 cases, ang National Support Unit ay may anim, PRO-3 apat, PRO-10 tatlo, PRO-9 dalawa, tig-isa naman sa PRO-1, PRO-4A, PRO-5 at Bangsamoro Autonoumous Region.
Habang nananatili naman sa 17 pulis ang nasawi dahil sa deadly virus.