-- Advertisements --

Hinamon ngayon ng PNP Crime Laboratory si Police Supt. Lito Cabamongan na maglabas ng pruweba kaugnay sa kaniyang alegasyon na mina-manipulate ng Crime Lab ang resulta sa isinagawag drug test sa kaniya kahapon.

Una rito nag positibo sa initial drug test ang police colonel na nahuling nagpa-pot session kahapon sa Las Pinas City.

Ayon kay PNP Crime Lab Director, Chief Supt. Aurelio Trampe, walang problema sa kanila kung magsasagawa ng re-test kung saan gagamitin ang kaparehong urine sample.

“He should back it up with proof. Or kung ichallenge man nya with NBI re-test, ok lang sa amin using same urine sample,” mensahe Trampe.

Sa kabilang dako, sa panayam kay Cabamongan kaniyang sinabi na magpapa-drug test siya sa ibang drug testing company na hindi umano nagma-manipulate ng resulta.

Sinabi ni Cabamongan na siya ay lalaban sa korte at kaniyang pinaninindigan na hindi siya gumagamit ng iligal na droga.

Mariin din nitong itinanggi na siya ay na demote sa kanyang ranggo.