-- Advertisements --
PNP CUSTODIAL CENTER

Balik-normal na ngayon ang operasyon sa custodial center ng Philippine National Police.

Kasunod ito ng naganap na tangkang pagtakas ng tatlong person under police custody (PUPCs) kahapon na nauwe sa pangho-hostage kay dating Sen. Leila de Lima.

Sa isang pahayag ay ginarantiya ni PNP chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. na kasabay ng pagbabalik sa normal na operasyon sa custodial facility ay muli nilang ika-calibrate ang kanilang standard operating procedure upang agad na nilang maipatupad ang ilang adjustment sa security protocols dito.

Paliwanag ni Azurin, ito ay upang matiyak ng pulisya na hindi na muling mauulit pa ang nangyaring insidente.

Samantala, bukod dito ay ipinag-utos na rin ni Azurin ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil naturang pangyayari na nagresulta naman sa pagkasawi ng tatlong teroristang Abu Sayyaf.

Una rito ay inihayag rin niya na hanggang mas pinili pa rin ni former Sen. De Lima na manatili sa loob ng PNP Custodial Center sa kabila ng naging alok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na ilipat siya sa ibang detention facility.