-- Advertisements --
Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na handa ang kanilang custodial facility sakaling doon ikukulong si dating First Lady at Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.
Ito’y kung ipag-utos ang pag-aresto sa dating unang ginang.
Ayon kay PNP chief Oscar Albayalde, laging handa ang kanilang pasilidad para sa i-accomodate ang dating unang ginang.
Pero paglilinaw ni Albayalde na hanggang sa ngayon ay wala pang ginagawang coordination hinggil sa paglalabas ng warrant of arrest laban kay Marcos.
Sinabi ni Albayalde na sakaling ilabas na ang warrant laban dito ay ang PNP Criminal Investigation ang mangunguna sa pag-aresto sa mambabatas.
Hinatulang guilty ng Sandiganbayan ang mambabatas sa pitong bilang ng kasong graft.