Tiniyak ni PNP-Drug Enforcement Group (PDEG) chief SSupt. Graciano Mijares na gagawin nito ang lahat para hindi mapapahiya ang Pambansang Pulisya sa ikalawang pagkakataon sa paglulunsad muli nila sa giyera kontra droga.
Ayon kay Mijares na magiging maingat ang kanilang gagawing operasyon at sisiguraduhin na hindi magagamit ang kanilang kampanya ng mga police scalawags at hindi muling maabuso ang kampanya kontra droga.
Pahayag ni Mijares na simula ngayon ay direktang syang makikipagugnayan kay PNP chief PDGen. Ronald dela Rosa para sa lahat ng operasyon na kanilang isasagawa.
Binigyang-diin nito na ang P-DEG ay ay nasa ilalim ng office of the PNP chief kayat lagi aniya paiiralin ang principle of accountability.
Aminado si Mijares na malaking challenge para sa kanya ang pagpili sa kaniya bilang pinuno sa bagong PNP drug enforcement group o PDEG.
Sa ngayon inaayos na nila ang pagpili sa mga pulis na magiging bahagi sa P-DEG.
Ang PDEG ang siyang kapalit sa sa binuwag na anti-illegal drugs special operation task Group (AIDG).