Hindi bina-balewala ng PNP ang mga travel advisory ng mga ibang bansa.
Ito ay ayon kay PNP spokesperson Senior Supt. Dionardo Carlos ng PNP-PIO, na sinabing sailalim na nila sa validation ang impormasyon na inilabas ng US Embassy para sa kanilang mga mamamayan na huwag magtutungo sa isla ng Palawan dahil sa banta ng kidnapping ng mga foreign nationals.
Sinabi ni Carlos, na lalo pang naghigpit ngayon ang mga security forces sa Palawan para maiwasan ang anumang masamang balakin.
Simula ng nangyari ang pagpasok ng Abu Sayyaf sa Bohol ay nagtaas na ng alerto ang AFP at PNP sa Palawan.
Hindi rin inaalis ng PNP na diversionary tactic na naman ito ng mga bandid na kunwari ay Palawan ang target ngunit ibang probinsya na Tourist Destination Area ang tunay na target ng mga bandidong grupo.