Lalo lamang magpapagulo kung muli pang magsalita ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa maling pagbasa ng datos kaugnay sa krimen.
Ayon kay PNP Spokesperson PSSupt. Benigo Durana nag public apology na sila sa pamamagitan ng paglabas ng official statement sa mga miyembro.
Nuong nakaraang Miyerkules sa ipinatawag na press conference ni PNP Chief PDGen. Oscar Albayalde maling datos ang nabasa ni sa top 5 cities na mataas ang crime rate at paggamit ng iligal na droga.
Dahil dito umalma ang mga local chief executives na nabanggit ng PNP.
Kaya hiling ng mga local chief executives na muling mag public apology ang PNP.
Pero ayon kay Col. Durana, hindi na magdudulot ng maganda kung paulit ulit nila itong gawin.
Aniya, nakuha na naman ng lahat ng media outfits ang kanilang
official statement kaya di na kailangan ulitin ito sa pamamagitan ng press conference.
Giit pa ng opisyal, ang PNP ay “committed to transparency and the truth,” kaya sila humingi ng paumanhin sa maling datos na nabasa ng PNP chief.
Paglilinaw pa ni Durana ang Naga city ang may highest average monthly crime rate na 202.8 mula January hanggang July 2018.
Sinundan ito ng Mandaue na may 169.49, Pasay na may 141.84,Iloilo City, Mandaluyong at San Juan.
Kung crime volume naman ang pag-usapan ang Quezon City ang may pinakamataas na bilang lalo na sa robbery at murder cases habang ang Naga City ay ranked No. 6 sa total crime volume at ranked No. 2 sa index crime volume (crimes against person and property).
Sa nasabing period din ang Naga City ang may pinaka mataas na average monthly crime rate (AMCR), sinundan ng Mandaue City, Iloilo City, Santiago City at Cebu City.