Tiniyak ng pamunuan ng Pambansang Pulisya na suportado nila ang kanilang mga tauhan na naka-deploy sa ASEAN Summit na gaganapin sa Metro Manila.
Ayon kay PCSupt. Noel Baraceros, Operations officer ng ASEAN Security Task Force 2017 na alaga ang mga pulis sa kanilang pangangailangan sa gaya ng pagkain, tubig, gamot at maayos na tulugan sa buong panahon ng naturang summit.
Sinabi ni Baraceros na may mga tauhan ng Department of Health (DoH) ang magbabantay sa kanila na aasikaso sa kanilang pangangailangang medical.
Limitado din sa walong oras ang duty ng bawat pulis.
Mahigit na 27,000 pulis ang nakadeploy sa Metro Manila sa panahon ng ASEAN Summit na magsisimula na sa araw na ito.
Matatandaan na noong APEC Summit ay nagreklamo ang ilang pulis dahil pinagkakitaan umano ang kanilang allowance na dapat ay para sa kanilang pagkain.