Hindi pipigilan ng PNP ang mga taong hindi pa nabakunahan na lumabas sa kanilang mga tahanan.
Ito ang paglilinaw ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar kaugnay ng pahayag ng Pangulo na manatili nalang sa loob ng kanilang mga tahanan ang mga ayaw magpa-bakuna.
Paliwanag ni Eleazar, ang sinabi ng Pangulo ay paraan niya lang para kumbinsihin ang lahat ng mga nagdududa parin sa bakuna na magpa-turok na para protektado sila laban sa Covid 19.
Nanawagan naman si Eleazar sa mga tumatanggi parin na magpabakuna na makinig sa payo ng mga health experts na epektibo ang bakuna laban sa Covid 19, kabilang ang delta variant.
Sinabi naman ni Eleazar na patuloy lang ipatutupad ng PNP ang mga takdang health protocols sa anumang estado ng community quarantine na idineklara ng IATF.