Kahit pirmado na ni PNP chief police Director General Ronald dela Rosa ang resolusyon o hatol sa mga pulis na sangkot sa pagkamatay ni dating Albuera Mayor Rolando Espinosa ay hindi pa rin ito maipatupad ng PNP Directorate for Personnel and Records and Management (DPRM).
Paliwanag ni DPRM Chief Supt. Rene Aspera na ipapaalam muna kasi nila sa grupo ni Supt. Marvin Marcos ang magiging hatol sa mga ito.
Layon nito na bigyan ng pagkakataon ang mga sangkot na pulis na makapag file ng motion for reconsideration kuug gugustuhin ng mga ito at upang hindi mabutasan ang PNP kapag ipinatupad na ang hatol.
Sinabi ni Aspera na sa ngayon ang hatol na ipatutupad nila ay suspensyon at demotion lang at wala pa sa grupo ni Marcos ang tuluyang masisibak sa serbisyo.
Pero sinabi ni PNP chief na may masisibak sa serbisyo sa grupo nina Marcos.