-- Advertisements --

Kinumpirma ni PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa na kanilang nang binuo ang bagong anti-drug unit ng pambansang pulisya na kanilang pinangalangang PNP-Drug Enforcement Group (P-DEG).

Ang P-DEG ang siyang papalit sa PNP Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) na binuwag kasunod ng kontrobersiya lalo na sa naging partisipasyon ng ilang mga tauhan nito sa pagpatay sa Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo.

Ayon kay PNP Chief PDGen. Ronald Dela Rosa, na bukas Lunes, March 6, 2017 pormal na ilulunsad ng PNP ang bagong anti-illegal drug unit kasama na dito ang hotline na pwedeng
tawagan ng publiko para isumbong ang kanilang mga reklamo.

Si SSupt. Graciano Mijares ang deputy regional director for administration sa Central Luzon ang siyang mamumuno sa bagong anti-drug unit ng PNP.

Si Mijares ay miyembro ng PMA Class 1988 na nagsilbi din sa ilalim ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force.

Kumpiyansa naman si Dela Rosa na magagampanan ni Mijares ang kaniyang bagong trabaho bilang bagong pinuno ng PDEG.

Una ng sinabi ni Dela Rosa na ang mga taong bubuo sa PNP-Drug Enforcement Group ay mga police na walang bad record.

Banggit pa ni PNP chief na gusto niya na maging bahagi din sa bagong anti-drug unit nila ay mga bagitong pulis.