-- Advertisements --

Dismayado ang pamunuan ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) ang dating PNP AIDG na binuwag dahil sa pagkaka abswelto muli sa kaso ni Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino na kahapon nakalaya na ito mula sa pagkakakulong sa detention facility ng Intelligence Service ng AFP.

Inalmahan naman ng PDEG na kabilang sa nabiyayaan sa inilabas na resolution ang kasama ni Marcelino ang Chinese national na si Yan Yi Shou.

Kinuwestiyon ni PDEG spokesperson Supt. Enrico Rigor kung bakit kasama sa naging beneficiary sa resolution si Yan Yi Shou.

Aniya, na wala man lamang discussion sa resolution tungkol sa nasabing Chinese national.

Giit ni Rigor na ang ultimate fact ay naaresto si Yan Yi Shou sa second floor ng Celadon Residence na nag iistock ng nasa 77 kilong shabu na nakalagay sa plastic crate habang si Marcelino ay nasa 1st Floor.

Ang ikalawang facts ay si Yan Yi Shou ang nagsabi kay Marcelino kaugnay sa presensiya ng mga nasabing droga.

Binigyang-diin ni Rigor na mayroong provision sa RA 9165 kaugnay sa conspiracy o sabwatan.

Naninindigan pa rin ang PDEG na sangkot sa operasyon ng iligal na droga si Marcelino na nakikipag sabwatan sa ilang drug syndicate.

Pahayag ni Rigor na si Marcelino ang may hawak ng susi sa nasabing bahay kung saan nadiskubri ang isang clandestine shabu laboratory.

“It was Lt. Col. Marcelino who has key to the house where the 77 kilos of shabu was found. Even assuming thatMarcelino was found on the first floor and yet his companion was found on the second floor stocking the drugs let us be reminded that there is a provision on ra 9165 which regards to conspiracy,” pahayag ni Rigor.

Sinabi ni Rigor na imposible na walang alam si Marcelino kaugnay sa mga nasabing droga.