Pinuri ni PNP chief Gen. Archie Gamboa ang pagkakasabat ng nasa mahigit P116 million ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) sa pamumuno ni Brig. Gen. Romeo Caramat nitong nakalipas na weekend.
Sinabi ni Gamboa na ang matagumpay na operasyon ay nagresulta sa pagkakalansag ng isang malaking sindikato na nag-o-operate sa Southern Metro Manila at Cavite.
Iniulat ni Gamboa nasa kabuuang 16.5 kilo ng shabu ang narekober ng PDEG mula sa walong high value targets sa apat na magkakasunod na operasyon Pasay, Parañaque, Las Piñas, at Bacoor, Cavite.
Kabilang sa mga naaresto ang isang Nigerian na nakilalangsi Kingsley Osita Escobi na konektado sa West African Drug Syndicate na aktibo sa Asia, Africa at Europa.
Una nang sinabi ni Gamboa na ang paghahabol sa mga high value targets na nangangalakal ng mahigit sa 50 gramo ng droga ang magiging prayoridad ng PNP sa ilalim ng kanyang pamumuno.