Duda si PNP Chief Oscar Albayalde sa pahayag ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chair Jose Maria Sison na hindi mangongolekta ng pera ang New People’s Army (NPA) sa mga kandidato sa nalalapit na halalan.
Ayon kay Albayalde, base sa karanasan ay walang kontrol si Sison sa ginagawa ng mga NPA sa ground.
Giit ni Albayalde, kanya-kanyang diskarte ang ginagawa ng mga NPA commanders sa kani-kanilang nasasakupan.
Katunayan aniya ay mas minarapat ng pamahalaan na isulong ang localized peace talks para direkta nang kausapin ang mga iba’t ibang grupo NPA sa kanayunan, dahil hindi na rin umano sumusunod kay Sison ang mga ito.
Naging kalakalan na ng NPA na mangikil ng pera sa mga kandidato para sa “permit to campaign†at “permit to win†na depende ang halaga sa posisyong tinatakbuhan ng mga ito.
Tiniyak naman ni Albayalde na handa ang PNP na bigyan ng proteksyon ang mga kandidato na magtutungo sa mga liblib na lugar para mangampanya, kung ire-request nila.